Now Playing Tracks

Realizations ng batang matatakutin.. :)

(written last 2007) Nang magsabog ang langit ng kaduwagan present ako nun. Simula bata pa matatakutin na ako. Nung baby pa lang ako iyak daw ako ng iyak dahil natatakot ako sa isang wall decoration na binili ni mama. Takot din ako sa aso dahil muntik na akong makagat nung bata pa ako. Takot ako sa palaka, sa ahas, sa dilim, sa multo, sa mukhang multo, sa wheel of fate sa Enchanted Kingdom, at sa mga snatcher ng cellphone. Pero isa sa mga bagay na hindi ko napansin agad sa sarili ko, takot akong magkamali kasi takot akong masaktan. Bata pa lang ako hopeless romantic na ako.. Nako, nung napanood ko yung Titanic iniyakan ko talaga yun. Isang linggo yata akong hindi nakarecover..hehe.. Mahilig ako sa mga love stories. Talaga namang kahit sa pocketbooks lang eh dalang-dala ako pag umiiyak yung bida, mapapansin ko na lang umiiyak na din pala ako.. Kaya nga hindi na din ako nagtataka kung pati sarili kong buhay eh madrama. Kung sa bagay, lahat ng buhay ng tao madrama, kanya-kanyang kadramahan kung baga. Kapag napapanood ko yung mga bida sa pelikula na nag-aaway sinasabi ko sa sarili ko na hindi yun mangyayari sakin. Pinangako ko noon sa sarili ko na gagawin ko ang best ko para pag ako na yung nainlove eh maging perfect ang lahat. Sabi ko nga noon magiging madali ang lahat basta hindi ako magkakamali sa mga kilos ko. “Everything will be perfect!”, yan ang motto ko. Ang di ko alam mahirap pala yung gusto kong mangyari. Ilang roll ng tissue na din ang naubos ko sa pag-iyak sa gabi. Madami-daming panyo na din ang nabasa ko. At makailang ulit na din akong nagtago sa banyo at nag dahilan na may sore eyes ako o puyat ako dahil ayokong malaman ng iba na umiyak ako.. Mahirap pala umiyak ng patago at sabihin na masaya ka kung ang totoo eh gusto mo ng umupo sa sahig at umiyak hanggang sa kainin ka ng lupa..hehe.. Sa mga panahong di ko maintindihan kung bakit di umaayon sa inakala ko ang mga pangyayari iniisip ko kung di ko ba nagawa ang best ko, kung may nakalimutan ba akong gawin o kung may kulang pa ba sa akin. Hindi madaling aminin sa sarili ko na wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat. Tanggapin na ang tao sadyang nagkakamali, na kung minsan things don’t work out the way I want to. Narealize ko na kaya yun nangyayari ay dahil hindi lang naman ako ang nabubuhay dito at may sariling desisyon din at gustong mangyari ang ibang tao. Maaaring hindi magkakatugma ang mga gusto natin kaya kahit pa nga planado natin ang bawat kilos madalas iba pa din ang kinakahinatnan ng mga bagay-bagay. Hindi natin pwedeng i-control ang desisyon ng ibang tao, ang kaya lang nating panghawakan ay ang sarili nating mga desisyon. Pumalpak man tayo ng makailang ulit, di man umayon satin ang ibang tao, masaktan man tayo, di natin yun pwedeng isisi sa iba. Kasi tayo naman ang nagdedesisyon kung gusto natin sirain ang buhay natin o kung gusto natin yun ayusin. Parang ang daling sabihin noh?! Pero ang totoo mahirap gawin.. Mahirap, pero posible… :-) Takot pa din ako sa aso, sa multo, sa wheel of fate sa Enchanted, at sa mga snatcher ng cellphone na kahit 3310 eh hindi pinapaligtas. Takot pa din ako magkamali, at takot pa din masaktan, pero hindi yun ang magiging dahilan para hindi ako maging masaya, para patuloy akong mabuhay. Hindi ko ikakaila na may mga panahong makakalimot pa din ako sa mga bagay na isinulat ko dito, at iiyak pa din ako pag nasasaktan ako, pero may tiwala ako sa sarili ko na in time, in God’s time magiging ayos din ako, kagaya ngayon habang sinusulat ko to. Kahit ilang beses madapa at magkasugat ang importante gumagaling,hindi nawawalan ng pag-asa. Hindi kabawasan sa pagkatao ang magkamali, ang nakakahiya eh yung wala ka man lang natutunan at pinagkatandaan. :-) Aja!

To Tumblr, Love Pixel Union